WHO, nagbabala na posibleng mapalitan ng luha ang selebrasyon ng Pasko at Bagong Taon

Nagbabala ang World Health Organization (WHO) laban sa mga selebrasyon ngayong holiday season.

Ayon kay WHO Director-General Tedros Adhanom Ghebreyesus, posible kasing mapalitan ng luha ang selebrasyon gaya ng Pasko at Bagong Taon na sana’y panahon para sa kaligayahan.

Ito aniya ay kung hindi susunod ang publiko sa minimum standard health protocols dahil madali aniyang maging instrumento ang mga Christmas parties, at iba pang pagtitipon sa mabilis na pagkalat ng COVID-19.


Aniya, dapat na maging mas maingat pa ang publiko dahil wala aniyang papantay sa regalo ng malusog at maayos na kalusugan sa gitna ng pandemya.

Facebook Comments