WHO, nagbabala na rin sa posibleng COVID-19 surge sa Mayo kung hindi masusunod ang health protocols

Sinang-ayunan ng World Health Organization (WHO) ang babala ng Department of Health (DOH) sa posibleng pagtaas muling ng kaso ng COVID-19 sa kalagitnaan ng Mayo kapag hindi nasunod ang minimum public health standards (MPHS).

Batay sa DOH, ang 50 percent na pagbaba sa pagsunod sa MPHS sa National Capital Region (NCR) ay maaaring magresulta sa 25,000 hanggang 60,000 bagong kaso ng COVID-19 kada araw sa Mayo.

Ayon kay WHO Representative to the Philippines Dr. Rajendra Yadav, kailangan nating patunayan na mali ang mga numerong iyon at iyon ang hamon na kinakaharap natin.


Kasabay nito, nanawagan si Yadav sa pamahalaan na huwag masyadong umasa sa bilang ng mga kaso at sa halip ay tumuon sa pagpapaigting ng COVID-19 vaccination drive lalo na sa mga barangay para makasiguro ng kaligtasan ang lahat ng mga Pilipino.

Facebook Comments