WHO, nagbabala ng mala-“tsunami” na COVID-19 surge dahil sa Omicron variant!

Nakapagtala ang World Health Organization (WHO) ng record-high na 6.55 million global cases ng COVID-19 sa nakalipas na linggo.

Ito na ang pinakamataas na naitala ng WHO simula nang ideklara nila ang COVID-19 pandemic sa buong mundo noong March 2020.

Dahil dito, nagbabala ang WHO na posibleng magtuloy-tuloy at magdulot ng mala-tsunami na pagtaas ang kaso ng COVID-19 dahil sa banta ng Omicron variant.


Nababahala si WHO Chief Tedros Ghebreyesus na muling ma-overwhelm ang health care system sa buong mundo.

Sa ngayon, aabot na sa higit 284 million ang tinamaan ng COVID-19 sa buong mundo.

Facebook Comments