Nagbabala ang World Health Organization (WHO) na mabilis na kumakalat ang coronavirus pandemic matapos maitala ang 150,000 bagong kaso sa loob lamang ng isang araw at halos kalahati sa mga ito ay naitala sa America.
Ayon kay WHO Director-General Tedros Adhanom Ghebreyesus, nananatiling nakamamatay ang sakit.
Muli siyang nanawagan na panatilihin ang social distancing at matinding nakabantay.
Bukod sa America, ang pinakamalaking bilang ng bagong kaso ay naitala sa South Asia at sa Middle East.
Hinimok naman ni WHO Emergencies Expert Mike Ryan ang mga bansa na gawing gradual at magpatupad ng scientific approach sa pagpapaluwag ng restrictions para maiwasan ang ikalawang bugso o second wave ng infection.
Pinuri naman ng WHO ang Germany, China at South Korea sa maayos na pagkontrol sa pandemya.