WHO, nagbabala sa maling pagdispose ng PPEs sa hanay ng healthcare workers

Nagbabala ang World Health Organization (WHO) sa mas mapanganib na kinakaharap ng healthcare workers sa kanilang pagsusuout ng Personal Protective Equipment (PPE).

Ayon kay Dr. Takeshi Nishijima ng WHO, mas malaki ang tyansa na ma-infect ng COVID-19 ang healthcare workers kapag hindi sila nakasunod sa tamang health protocol sa paghubad ng PPE.

Aniya, mas mainam na mag-alcohol agad sa kamay ang healthcare workers pagkahubad nila ng PPE kaysa maghugas ng kamay gamit ang tubig at asin.


Mas mainam din aniyang maglagay ang mga ospital ng mga alcohol sa bawat pinto ng pagamutan

Pinayuhan din ni Dr. Nishijima ang publiko na sumunod sa tamang health protocol lalo na’t malayo pa ang laban kontra COVID-19.

Hanggat maaari rin aniya ay manatili na lamang sa bahay at palaging maghugas ng kamay.

Samantala, tiniyak naman ng United Nations International Children’s Emergency Fund (UNICEF) ang kanilang mga hakbangin para matiyak ang proteksyon sa mga bata kontra covid kabilang na ang pagbabakuna.

Nilinaw naman ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire na hindi sinalungat ni Health Secretary Francisco Duque III ang sinabi ng Pangulong Rodrigo Duterte na hindi niya papayagan ang pagbubukas ng klase sa Agosto kapag wala pa ring bakuna kontra COVID.

Ayon kay Dr. Vergeire, ang sinabi aniya ni Duque ay maaaring magbukas ang klase kapag nasunod ang minimum health standards sa mga eskwelahan.

Facebook Comments