Binalaan ng World Health Organization (WHO) ang mga bansang nagbabalak ng maagang alisin ang umiiral na lockdown sa kanilang bansa.
Ito’y matapos sabihin ng gobyerno ng Spain na balak nilang ibalik na ang ilang negosyo sa araw ng Lunes.
Sa loob kasi ng 17 araw, patuloy na nakakapagtala ng mababa na bilang na mga namamatay dahil sa sakit ang naturang bansa.
Sinabi ni WHO Director General Dr. Tedros Adhanom Ghebreyesus, magkakaroon ng matinding epekto kapag maagang tinanggal ang lockdown.
Aniya, dapat maging maingat at mapanuri ang mga bansang mag-aalis ng naturang lockdown kahit na may masamang maidudulot ito sa ekonomiya ng bansa.
Nakikipag-ugnayan na sila sa mga bansa kung ano ang maaari nilang gawin para bahagyang luwagan o tanggalin ng tuluyan ang mga restrictions o lockdown.
Gayunpaman, mahigpit na ipatutupad pa rin ng gobyerno ng Spain ang social distancing.