Nababahala ang World Health Organization (WHO) matapos na muling tumataas ang narerehistrong kaso ng COVID-19.
Batay sa WHO, tumaas ng walong porsyento ang mga bagong kaso ng COVID-19 sa buong mundo na may higit 11 million cases at 43,000 na bagong nasawi.
Sa rehiyon ng Western Pacific pa lang ay tumaas sa 29 percent ang mga bagong kaso noong nakaraang linggo.
Nakapagtala ang Western Pacific ng 5.02 milyong kaso na mas mataas kumpara sa Europe na may 4.99 milyon.
Sinabi naman ni Maria Van Kerkhove, Technical lead on COVID-19 ng WHO, na alam na ng bawat bansa kung paano malalabanan ang Coronavirus sa pamamagitan ng pagsusuot ng face mask, physical distancing, at pagpapabakuna.
Facebook Comments