Nagbabala ang World Health Organization o WHO Philippines laban sa posibilidad na lalo pang lumobo ang mga kaso ng Dengue sa bansa.
Ito ay kasunod ng deklarasyon ng “National Dengue Alert.”
Ayon kay Dr. Gundo Weiler, ang WHO Philippines Country Representative, nakaumang ang tinatawag na “Severe Dengue.”
Paliwanag ni Dr. Weiler, gaya aniya ng mga kalapit na bansa ng Pilipinas, sinabi ni Dr. Weiler na dapat maghanda ang Duterte Administration sa isang “Major Epidemic” ngayong 2019.
Batay sa datos ng Department of Health o DOH, mula noong January 1 hanggang June 29, 2019 ay nasa 106,630 ang Dengue cases sa buong kapuluan. 456 sa bilang ay nasawi.
Patuloy namang ipinapayo ng WHO Philippines sa publiko na palagiang mag-ingat laban sa Dengue.
Kahit isang beses sa isang linggo, linisin ang mga water storage containers, flower vases o mga paso na pinaglalagyan ng tubig at maaaring pamugaran ng mga lamok.
Linisin din ang mga kanal habang itapon na ang mga hindi na ginagamit na bagay na may naipong tubig.
Kahit ang takip ng bote na kapag may tubig ay maaaring gawing breeding site ng mga lamok.