Sa harap ng COVID-19 pandemic, nagpaalala ang World Health Organization (WHO) na huwag kalimutan ang kalikasan.
Ayon sa WHO, sa ganitong panahong nagkakaroon ng marami ang health care waste o basura gaya ng mga medical mask.
Paalala ng WHO, ugaliing magtapon ng maayos ng mga ginamit na single-use medical mask sa basurahang may takip at huwag hayaang nakakalat kung saan-saan.
Linising mabuti ang mga kamay pagkatapos itapon ang mask.
Umapila naman ang WHO sa mga lokal na pamahalaan na TIYAKIN ang maayos na pamamahala ng health care waste.
Lalo na ang mga waste mula sa mga ospital at mga pasilidad na mayroong pasyente.
Mahigpit DIN ang paalala ng WHO na protektahan din ang sanitation workers mula sa posibleng impeksyong dala ng mga kontaminadong basura.