Nagpatawag ng emergency meeting ang World Health Organization (WHO) para pag-usapan ang Monkeypox outbreak.
Kasunod ito ng payo ng WHO – Strategic and Technical Advisory Group on Infectious Hazards with Pandemic and Epidemic Potential (STAG-IH) hinggil sa panganib na maaaring idulot ng Monkeypox sa kalusugan ng mundo.
Ayon sa WHO, magsasagawa sila ng technical meetings at magbabahagi ng mga impormasyon hinggil sa Monkeypox outbreak.
Nauna nang nakapagtala ang Africa ng mahigit 100 kaso ng Monkeypox.
Nakapagtala na rin ng kaso ang Germany, Belgium, France, Italy, Portugal, Spain, Sweden, United Kingdom, United States, Canada at Australia.
Facebook Comments