WHO, nais din na unahin muna sa pagbabakuna ang mga nakatatanda at may comorbidity

Iginiit ng World Health Organization (WHO) ang pagtutok sa pagbabakuna sa mga senior citizen at may comorbidity sa bansa.

Sinabi ni WHO Country Representative Rabindra Abeyasinghe na tumataas kasi ang bilang ng mga nakatatanda na namamatay sa COVID-19.

Aniya, 64% sa mga namatay sa Coronavirus sa Pilipinas ay may edad 60 pataas.


Nanindigan ang WHO na dapat bigyang prayoridad sa pagbabakuna ang medical frontliners at ang mga nasa A1, A2 at A3 categories.

Facebook Comments