WHO, nais makita ang datos sa likod ng inaprubahang nasal COVID-19 vaccines sa China at India

Welcome para sa World Health Organization (WHO) ang nasal vaccines kontra COVID-19 na inaprubahan sa China at India.

Mababatid na inilunsad ng China nitong Linggo ang kauna-unahang inhalable COVID-19 vaccine na Convidecia Air na gawa ng CanSino Biologics at nagagamit sa pamamagitan ng nebulizer.

Habang inaprubahan ng India para sa emergency use ang nasal-administered COVID-19 vaccine na gawa naman ng Bharat Biotech nitong Martes.


Ayon sa WHO, makakatulong ito upang makontrol ang nagpapatuloy na COVID-19 ngunit nais din makita ng ahensya ang datos sa likod ng mga naturang bakuna.

Aniya, ito ay upang ma-assess nila ito at maaprubahan.

Sa ngayon, wala pang anunsyo kung kailan magiging available sa publiko ang mga naturang nasal vaccines habang patuloy naman ang iba pang bansa sa pagbuo ng sariling inhalable na proteksyon laban sa COVID-19.

Facebook Comments