Nakatakdang i-update ng World Health Organization (WHO) ang kanilang guidelines sa kung papaano mapapagaling ang mga nagpositibo sa Coronavirus Disease 2019 (COVID-19)
Kaugnay ito ng magandang resulta ng Dexamethasone na isa sa mga posibleng gamot laban sa COVID-19.
Batay sa preliminary findings ng ahensya, kaya nitong pagalingin ang mga COVID-19 positive patient na nasa malubhang kalagayan at may kakayahan din itong pababain ng one-third ang tsansa na mamatay ang isang pasyente .
Sa kabila nito, hindi naman nakikita ng WHO ang benepisyo ng naturang gamot sa mga mild cases ng nasabing sakit.
Facebook Comments