Nilinaw ng World Health Organization (WHO) na wala pang malinaw na pag aaral o ebidensya na magsasabi kung saan nga ba talaga nagmula ang Coronavirus Disease 19.
Ito ang iginiit ni WHO Representative to the Philippines Dr. Rabindra Abesayinghe kasunod ng iba’t ibang ispekulasyon sa pinagmulan ng Covid 19.
Isa rito ay ang paniki na sinasabing pinagmulan ng virus.
Maging sa social media ay may kumalat pang mga larawan na mga chinese-looking na kumakain ng bat soup o sinabawang paniki.
Matatandaan na ang Middle East Respiratory Syndrome Coronavirus (MERS-CoV) ay isang uri ng zoonotic virus.
Ibig sabihin mula sa hayop ay nailipat ito sa tao.
Giit ni Abesayinghe mananatiling theory lamang ang mga ito hanggat hindi napapatunayan ang katotohanan.
Facebook Comments