Monday, January 19, 2026

WHO, nilinaw na hindi mas malala ang epekto ng Omicron kumpara sa mga naunang variant

Nilinaw ng World Health Organization (WHO) na hindi mas malala ang epekto ng Omicron COVID-19 variant kumpara sa iba pang variant.

Ayon kay WHO Emergencies Director Michael Ryan, batay sa mga preliminary data ay walang ipinapakitang mga ebidensya na hindi gumagana ang COVID-19 vaccines.

Iginiit din ni Ryan na mahalaga ang mga bakuna lalo na’t napatunayan nang nababawasan nito ang tyansa na ma-ospital at masawi ang isang pasyenteng positibo sa COVID-19.

Sa kabila niyan, nagbabala ang WHO na huwag munang makampante lalo na’t preliminary o pauna pa lamang naman ang mga nakakalap na datos ngayon tungkol sa mas nakakahawang variant.

Sa ngayon ay 57 bansa na ang nakapagtala ng kaso ng Omicron variant.

Facebook Comments