Nilinaw ng World Health Organization (WHO) na wala pang katiyakan ang pagdating sa susunod na linggo ng karagdagan 900,000 na bakuna mula sa AstraZeneca.
Sinabi ni WHO Country Representative Dr. Rabindra Abeyasinghe na mahalagang makakuha muna ng definite na flight details sa arrival nito sa bansa.
Sinabi pa ni Abeyasinghe na pinaghahandaan na rin nila ang pagdating sa bansa ng bakuna ng Johnson and Johnson matapos itong mabigyan na rin ng Emergency Use Authorization (EUA).
Ito ay bagama’t hindi aniya ito nangangailangan ng storage facility dahil akma ito sa mga bansang mainit ang panahon.
Facebook Comments