WHO, pabor na rin sa face-to-face classes sa Pilipinas

Kumbinsido ang World Health Organization (WHO) na panahon na para buksan muli ang mga paaralan.

Ayon kay WHO country representative Dr. Rabindra Abeyasinghe, kailangan ang face-to-face classes para matugunan ang pangmatagalang pangangailangan sa edukasyon at kalusugan ng mga bata.

Mahalaga rin aniya ito sa mental development at psychosocial health ng mga bata.


May mga hakbang na rin naman aniya para maprotektahan ang mga bata tulad ng pagbabakuna sa mga guro at iba pa.

Una nang sinabi ng mga eksperto na maliit ang panganib sa COVID-19 sa mga bata.

Facebook Comments