Hinihimok ng World Health Organization o WHO Philippines ang publiko na pabakunahan ang kanilang mga alagang hayop partikular ang mga aso.
Ito’y kasunod ng pagpapa-alala na ngayong buwan ng Marso ang Rabies Awareness Month.
Ayon sa WHO-Philippines, nararapat lamang na malaman ng bawat isa ang masamang dulot ng rabies at kung paano ito maiiwasan.
Mas maiging pabakunahan na agad ang mga alagang aso at pusa na carrier ng rabies upang hindi na tumaas pa ang bilang ng mga namamatay ng dahil sa nasabing sakit.
Payo pa ng WHO-Philippines na dalhin sa pinakamalapit na provincial o city veterinary offices ang mga ito para mapabakunahan na at kung sakali naman makagat o makalmot ay agad na magpakonsulta sa animal bite center para mabigyan mg anti-rabies vaccine.
Una namang sinabi ng Department Of Health o DOH na target ng pamahalaan na maideklarang rabies free ang Pilipinas sa taong 2022.