WHO, pinababago ang mga patakaran para mapigilan ang travel restrictions kaugnay sa COVID-19

Pinababago ng isang dating opisyal ng World Health Organization (WHO) ang mga patakaran para mapigilan ang mga travel restriction kaugnay sa COVID-19.

Ayon kay WHO Chief Gro Harlem Brundtland, ang desisyon na tutulan at huwag aprubahan ang anumang biyahe ng international emergency sa January 30 ay isa sa mga hakbang na kikilatisin ng Estados Unidos matapos ianunsyo na aalisin ang UN Agency dahil sa virus.

Aniya, kailangang makita ang guidelines o ang international health regulation na sinang-ayunan ng state member para pahinain ang paglimita sa mga biyahe at pakikipag-kalakalan sa panahon ng pandemya.


Dagdag pa ni Brundtland, nababahala ang pamahalaan dahil sa banta sa travel restriction dahil posible itong maging dahilan para hindi mai-report ang outbreak sa iba pang mga bansa.

Facebook Comments