Nagbabala ang World Health Organization laban sa mga online scam na kumakalat ngayon.
Partikular na tinukoy ng WHO-Philippines ang post sa social media na sinasabing pamimigay nila ng monetary giveaway.
Sa nasabing post ng nagpakilalang WHO collections, nakalagay dito na mamimigay daw ang WHO ng sampung libong dolyar bilang reward sa mga nawalan ng trabaho dahil sa COVID-19.
Nakasaad pa rito na may dalawang libo at apat na raan katao na sinasabing nanalo sa pamamagitan lamang ng pag-type ng salitang HEALTH.
Sa nasabing post ay may larawan pa ng isang lalaking dayuhan na may hawak na mga dolyar.
Paalala ng WHO sa publiko, huwag maniwala sa mga ganitong online scam at sundan ang mga lehitimong social media account ng WHO.
Facebook Comments