Patuloy na pinag-aaralan ng World Health Organization (WHO) ang characteristics ng Lambda variant.
Ayon kay WHO Representative to the Philippines Dr. Rabindra Abeyasinghe, may mga expert groups na nakatutok sa variant para agad na itong maintindihan.
“We have multiple expert groups that start following that virus (variant) and studying that virus, both within WHO and externally with our partners, so that we can better understand that virus,” sabi ni Abeyasinghe.
Sinabi ni Abeyasinghe na ang Lambda variant ay nananatiling “variant of interest” at unang na itong na-detect noong nakaraang buwan sa Brazil.
Sa ngayon, aabot sa 20 hanggang 30 bansa ang may kaso na nito, pero hindi pa ito nagpapakita ng katangian na dapat itong ituring na “variant of concern.”
Kapag ang variant ay sobrang nakakahawa, at nagdudulot ng malalang kaso ng COVID-19 at matatag sa mga available na gamot at bakuna ay dito nila na tatawagin itong variant of concern.
Una nang sinabi ni Health Secretary Francisco Duque III na wala pang kaso ng Lambda variant sa Pilipinas at tiniyak na paiigtingin ang border control para mapigilan ang pagpasok nito sa bansa.