WHO, pinag-iingat pa rin ang Pilipinas kahit low risk na sa COVID-19

Pinag-iingat ng World Health Organization (WHO) ang Department of Health (DOH) sa pagpapalabas ng mga pahayag kaugnay ng pagdedeklara bilang low risk na sa COVID-19 ang Pilipinas.

Ayon kay WHO Representative to the Philippines Dr. Rabindra Abeyasinghe, hindi pa dapat maging kampante dahil nananatili pa rin ang banta ng COVID-19

Aniya, ang pagsasabi kasi na low risk na ang bansa sa COVID-19 ay posibleng maghatid ng hindi magandang impresyon sa publiko.


Una nang sinabi ni DOH Epidemioliogy Bureau Director Alethea de Guzman na nasa low risk na ang classification ng bansa sa COVID-19 matapos maitala ang -9% growth rate sa loob ng dalawang linggo habang ang attack rate mula Hunyo 13 hanggang 26 ay nasa 5.42 na lamang.

Facebook Comments