WHO, sinisilip na ang interim data ng isang HIV drug bilang gamot sa COVID-19

Sinisilip na ng World Health Organization (WHO) ang interim data hinggil sa combination HIV drug na Lopinavir-Ritonavir bilang gamot sa COVID-19.

Ayon kay WHO Chief Scientist Soumya Swaminathan, libo-libong pasyente ang nag-enroll sa Solidarity Trial ng nasabing gamot at sa hiwalay na clinical trial na isinasagawa ng United Kingdom.

Patunay aniya ito na mayroong mortality benefit ang paggamit ng gamot.


Sinabi pa ng WHO Official na inaalam na rin nila ang potensyal na epekto ng antiviral drug na Remdesivir laban sa COVID-19.

Bago ito, itinigil na ng WHO ang testing para sa Hydroxychloroquine bilang gamot sa mga pasyenteng may COVID-19 matapos lumabas sa pag-aaral na wala itong bisa sa mga nagkasakit.

Facebook Comments