WHO Solidarity Vaccine Trials, isasagawa sa 21 lugar sa bansa

Nasa 21 lugar ang tinukoy bilang vaccine trial sites para sa Solidarity Trial ng World Health Organization (WHO).

Ayon kay Department of Science and Technology – Philippine Council for Health Research and Development (DOST-PCHRD) Executive Director Dr. Jaime Montoya, karamihan sa trial sites ay nasa Manila at Quezon City.

May pitong lugar sa Lungsod ng Maynila at Quezon City ang tinukoy na vaccine trial sites.


Bukod dito, may napili ring lugar sa Pasay, San Juan, Parañaque at Taguig City.

Hinihintay ng DOST ang pinal na Standard Operating Procedure at specific protocols para sa pagsasagawa ng Solidarity Trials sa bansa.

Facebook Comments