Target simulan ng World Health Organization (WHO) ang Solidarity Vaccine Trial (SVT) sa bansa sa August 15.
Ayon kay Department of Science and Technology (DOST) Undersecretary for Research and Development Rowena Cristina L. Guevarra, patuloy ang paghahanda para sa nalalapit na clinical trial.
Kailangan ding magkaroon ng permit mula sa Food and Drug Administration (FDA) bago simulan ang trial.
Bukod sa FDA, kailangan ding aprubado ang vaccine trial ng Vaccine Experts Panel (VEP), Single Joint Research Ethics Review Board.
Sa ngayon, hindi pa maaaring sabihin kung anong mga bakuna ang gagamitin sa Solidarity Vaccine Trials.
Facebook Comments