WHO, tiniyak na darating sa bansa ang Pfizer at AstraZeneca vaccines sa lalong madaling panahon

Tiniyak ng World Health Organization (WHO) na matatanggap ng Pilipinas ang doses ng COVID-19 na gawa ng pharmaceutical firms na Pfizer at AstraZeneca.

Ayon kay WHO Representative to the Philippines Dr. Rabindra Abeyasinghe, ang Pilipinas ay nakumpleto na ang mga kinakailangang requirements para ma-access ang mga bakuna sa ilalim ng COVAX Facility.

Sinabi ni Abeyasinghe na sinisilip nila kung paano mapapabilis ang pagdating ng 525,600 doses ng AstraZeneca vaccines sa bansa.


Pero tiniyak ng WHO official na inaanunsyo nila ang petsa kung kailan ipapadala ang vaccine supply.

Mayroong dalawang hamon ang nakikita ng WHO sa vaccine delivery sa iba’t ibang bahagi ng mundo.

Ang una, hindi maabot ng manufacturers ang target nitong mai-produce na bakuna at ang ikalawa ay proseso ng delivery kung saan kailangang ibiyahe ang mga bakuna, mapanatili ang cold chain requirements at isyu sa logistics.

Nasa 190 bansa ang lumagda sa COVAX facility.

Facebook Comments