Pinawi ng World Health Organization (WHO) ang pangamba ng publiko sa patuloy na pagtaas ng kaso ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19) sa Pilipinas.
Ayon kay WHO Representative to the Philippines Dr. Rabindra Abeyasinghe, walang dapat ikabahala sa paglobo ng COVID-19 cases dahil patunay lamang ito na mas lumawak ang testing capacity ng bansa.
Aniya, dapat tignan ang mababang bilang ng mga namamatay sa sakit na isang senyales na nagawa ng pamahalaan na mapabuti ang clinical capabilities, hospital capabilities at nagbunga ang pagbibigay ng saktong kaalaman sa clinical technicians.
Binigyan-diin pa ni Abeyasinghe na habang hinihintay natin ang bakuna laban COVID-19 ay maraming pamamaraan para ma-suppress ang pagkalat ng virus kung susundin lamang ng lahat ang mga health at safety protocol.