Umapela ang World Health Organization (WHO) sa mga bansa na huwag nilang itigil ang paggamit ng AstraZeneca COVID-19 vaccine.
Kasunod ito ng pagtigil ng siyam na bansa sa paggamit nito dahil sa safety concerns.
Ayon kay WHO Spokesperson Margaret Harris, itinuturing ng kanilang mga eksperto na isa sa mabisang bakuna ang AstraZeneca vaccine.
Aniya, wala ring ebidensyang nakikitang mag-uugnay na nagdudulot ito ng blood clotting o pamumuo ng dugo sa mga indibidwal na nabakunahan na.
Tiniyak naman ng WHO na iniimbestigahan na nila ang usapin na kumukwestyon sa pagiging mabisa at ligtas ng AstraZeneca vaccine, at kanilang isasapubliko ang resulta nito oras na maging available na.
Facebook Comments