WHO, tiniyak na walang nakompromisong impormasyon matapos ma-hack ang website

Walang nakompromisong mga sensitibong impormasyon sa World Health Organization (WHO) matapos magkaroon ng hacking sa kanilang website noong Lunes.

Sa statement na inilabas ng WHO sa Maynila, tiniyak nilang walang mga impormasyon na nakuha ang mga hacker mula sa mga detalye ng isang COVID-19 patient.

Sabi ng WHO, hindi naman sila kumukolekta ng mga impormasyon ng isang pasyente partikular na sa mga nabakunahan.


Tanging ang Department of Health (DOH) lamang ng Pilipinas ang kumukuha ng mga datos at hindi naman daw sila nabibigyan ng mga impormasyon.

Aminado ang WHO, kumuha sila ng mga impormasyon sa mga health department sa buong mundo ngunit ito ay tungkol lamang sa mga tinamaan ng virus, mga naospital, namatay at dosage ng bakuna na itinurok sa mga tao.

Facebook Comments