Tinukoy ng World Health Organization (WHO) ang JN.1 bilang COVID-19 variant of interest dahil sa bilis nitong makapanghawa.
Ayon sa WHO, ang JN.1 ay dating nang inuri bilang variant of interest na bahagi ng COVID variant BA.2.86.
Gayunpaman, nilinaw ng WHO na mababa lamang ang panganib nito sa kalusugan sa batay sa mga pag-aaral.
Tiniyak din ng WHO na ang kasalukuyang bakuna ay nagsisilbi pa ring proteksyon laban sa malubhang epekto ng JN.1 at iba pang variant ng COVID-19.
Sa ngayon, hindi pa naglalabas ng pahayag ang DOH sa bagong variant ng JN.1 pero patuloy naman itong tinututukan ng WHO, at tiniyak na ia-update nito ang pagsusuri sa panganib ng JN.1 kung kinakailangan.
Facebook Comments