Kinokondena ng World Health Organization (WHO) ang ilang mayayamang bansa na binabakunahan na ang kanilang mga kabataaan habang may mga mahihirap na bansang nagdudusa dahil sa kawalan ng supply ng bakuna.
Ayon kay WHO Director General Tedros Adhanom Ghebreyesus, sumampa ng halos 40% ang bagong infections at deaths sa Africa.
Aniya, mabilis na kumakalat ang Delta variant sa iba’t ibang bahagi ng daigdig.
Bagamat hindi niya pinangalanan ang mga bansang ayaw magbahagi ng kanilang bakuna sa mga low-income countries, ikinumpara niya ang kasalukuyang pandemya sa HIV/Aid crisis kung saan maraming bansa sa Africa ang walang access sa treatment.
Hinikayat ng WHO official ang mga mayayamang bansa na magbigay ng bakuna sa mga bansang nangangailangan.
Ang COVAX Facility ay nakapag-deliver na ng 90 million COVID-19 vaccine doses sa 132 bansa mula nitong Pebrero, pero nahaharap sa ilang majoy supply issues lalo na at sinuspinde ng India ang vaccine exports.