WHO, umaasang magkakaroon ng milyong doses ng COVID-19 vaccine ngayong taon

Umaasa ang World Health Organization (WHO) na milyon-milyong doses ng Coronavirus vaccine ang magagawa ngayong taon at aabot naman sa dalawang bilyong doses sa katapusan ng 2021.

Ayon kay WHO Chief Scientist Soumya Swaminathan, pagdedesisyunan kung sino ang mga unang makakakuha ng doses kapag naaprubahan na ang bakuna.

Ang mga ipaprayoridad ay mga frontline workers, at mga nagtatrabaho o nakatira sa high-transmission areas tulad ng bilangguan, ospital, at care homes.


Iginiit ng WHO Official na hindi dapat mawalan ng pag-asa at hindi kailangang sumuko agad.

Nasa 10 potential vaccines ang sinusubok ngayon sa tao.

Sa ngayon, lumalabas sa genetic analysis data na ang bagong Coronavirus ay hindi pa nagmu-mutate sa paraang mababago ang tinding idinudulot ng sakit.

Facebook Comments