WHO, umaasang matatapos ang COVID-19 pandemic sa loob ng dalawang taon

Umaasa ang World Health Organization (WHO) na magwawakas ang COVID-19 crisis sa loob ng dalawang taon.

Nabatid na ang Spanish Flu na tumama noong 1918 ay inabot ng dalawang taon bago natapos.

Ayon kay WHO Director-General Tedros Adhanom Ghebreyesus, magagamit ang teknolohiya at malalim na kaalaman kung paano mapipigil ang virus.


Sinabi naman ni WHO Epidemiologist Maria Van Kerkhove, kailangan pa ng mas maraming research hinggil sa impact ng mutations ng Coronavirus.

Maiintindihan dito kung paano nagbe-behave at nagmu-mutate ang virus.

Sa huling tala ng Worldometer COVID-19 data, umabot na sa 23,017,347 ang kaso ng COVID-19 sa buong mundo, 15,631,145 ang gumaling habang 799,760 ang namatay.

Facebook Comments