WHO, umapela sa mga lokal na pamahalaan na pagsumikapang mabakunahan ang lahat ng mga senior citizens sa kanilang nasasakupan

Bagama’t pinuri ng World Health Organization (WHO) ang Pilipinas dahil nasa halos 60M mga Filipino na ang fully vaccinated at umarangkada na rin ang pagbabakuna sa mga batang edad 5-11 taong gulang.

Nanawagan si acting WHO Representative to the Philippines Dr. Rajendra Prasad Yadav lalo na sa mga lokal na pamahalaan na hikayating magpabakuna ang mga senior citizens.

Ayon kay Dr. Yadav, tinatayang nasa 2.5M pa kasing mga nakatatanda ang hindi nakakatanggap ng ni isang dose ng bakuna.


Mahalaga aniyang pagtuunan ng pansin ng mga lokal na pamahalaan ang pagbibigay ng bakuna sa mga ito lalo na ngayong unti-unting lumuluwag ang restrictions, mataas na rin ang mobility dahilan kapag nahawaan sila ng virus ay mas mataas ang tyansa na sila ay maospital o mauwi sa kamatayan.

Partikular na pinakikilos ni Dr. Yadav ang mga Local Government Unit (LGUs) ng Cebu, Negros Occidental, Cavite, Batangas at Bulacan dahil dito sa mga lugar na ito ay madami pang mga senior citizens ang hindi pa bakunado.

Facebook Comments