WHO, walang pang-planong ideklarang global health emergency ang pag-laganap ng nakakamatay na virus sa China

Hindi pa itinuturing ng Wolrd Health Organization (WHO) na global health emergency” ang nakakamatay na virus na kumakalat ngayon sa bansang China.

Ayon sa WHO, bagamat may health emergency sa China, hindi ito dahilan para magdeklara sila ng global emergency pero pinag-aaralan na nila kung anong mga hakbang ang dapat gawin.

Bagamat nagkaroon na ng lockdown sa ilang bahagi ng China, umaasa ang who na makokontrol ng mga health officials nito ang paglaganap ng virus kahit pa una nilang sinabi na posible itong kumalat lalo na at ang ilang nilang kababayan ay lumipad na patungo sa ibang bansa.


Bukod dito, sinabi ni Who Chief Tedros Adhanom Ghebreyesus na huwag daw sanang isipin na hindi nila sineseryoso ang sakit na Novel Coronavirus kaya hindi sila nagdedelakra ng global health emergency dahil naniniwala siya na nangyayari lamang ito sa bansang China.

Kinumpirma din ng WHO na ang nasabing virus ay maaaring maipasa o makuha ng tao na malapit sa kaniya pero wala pa naman ebidensiya na nagkaroon ng human-to-human transmission sa labas ng bansang China.

Facebook Comments