Whole of government approach, epektibo sa pagkamit ng kapayapaan ayon kay PBBM

Naniniwala si Pangulong Ferdinand Marcos Jr., na epektibo ang pagtutulungan ng national government at mga lokal na pamahalaan sa prosesong pangkapayapaan.

Sinabi ito ng pangulo sa pagdiriwang ng National Peace Consciousness Month at opisyal na pagdedeklara sa Palawan bilang insurgency-free.

Sa talumpati ng pangulo, sinabi nito na kaya namumundok ang mga rebelde ay dahil sa kawalan ng pag-asa at paniwalang pinabayaan sila ng gobyerno.


Ngunit nabago na aniya ang kaisipang ito dahil sa hatid na serbisyo, imprastraktura at mga oportunidad sa kanayunan na bahagi na ngayon ng peace process.

Dagdag pa ng pangulo, maraming rebelde ang nagbabalik-loob sa pamahalaan dahil nararamdaman na nila ang malasakit hindi lang ng pamahalaan kundi maging ng lokal na komunidad na handang suportahan at pagandahin ang kanilang buhay.

Kumpiyansa si Pangulong Marcos na magiging madali na ang usapan tungo sa kapayapaan para sa natitira pang mga lugar na mayroong insurgency.

Facebook Comments