Iniutos ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., ang pagpapatupad whole-of-government approach kasunod ng pagsasailalim sa Red at Yellow alert sa Luzon grid.
Ayon kay Pangulong Marcos, dapat magpatupad ng kanilang energy conservation measures ang lahat ng ahensiya ng pamahalaan upang matiyak ang matatag na power supply sa mga susunod pang araw.
Dapat magtakda aniya ng mga pamantayan sa paggamit at pagtitipid ng kuryente ang mga ahensiya ng pamahalaan.
Hinimok din ng pangulo ang publiko na makiisa sa pamahalaan na magtipid ng kuryente sa ganitong mga sitwasyon.
Importante aniya ang sama-samang pag-aksyon ng lahat para malampasan ang hamong kinahaharap sa gitna ng nararansang tag-init at El Niño phenomenon.
Facebook Comments