Wholesale Electricity Spot Market, epektibo na rin sa Mindanao mula ngayong araw

93

Manila, Philippines – Epektibo na rin sa Mindanao mula ngayong araw ang WESM o Wholesale Electricity Spot Market.

Ayon sa Department of Energy, bunga nito, magkakaroon na rin ng kompetisyon sa electricity market sa Mindanao at bababa ang singil sa kuryente sa rehiyon.

Ang WESM Mindanao ay pangangasiwaan ng Philippine Electricity Market Corporation.


Ito ay isang non-stock at non-profit corporation na siya ring nangangasiwa sa WESM Luzon at Visayas.

Labing-isang taon na ang nakakalipas ay itinatag din sa Luzon ang WESM at anim na taon na rin ito Visayas

Facebook Comments