Itinuturo ng dalawang opisyal ng Sugar Regulatory Administration (SRA) ang mga wholesalers at retailers na nagmamanipula ng presyo ng asukal.
Ayon kay SRA board members Dino Yulo at Roland Beltran – inirereklamo na ng mga consumer ang mataas na retail price ng asukal sa mga public market at supermarkets.
Lumalagpas na sa “artificial” price na 60 pesos kada kilo at may ilang sektor ang kumikita ng malaki rito.
Minamanipula ng mga wholesalers at retailers ang presyo para isulong ang liberalization ng sugar industry.
Nagpaalala naman ang SRA sa DTI na i-monitor ang retail price ng sugar.
Facebook Comments