‘WiFi’ sa buong lungsod ng San Juan, libre na; Switch ‘on’ ng WiFi signal, isinagawa ng LGU at DICT

Mula ngayong araw na ito ay magkakaroon na ng free access sa internet ang 21 mga barangay ng San Juan City.

Pinangunahan mismo ni City Mayor Francis Zamora at Department of Information and Communications Technology Sec. Gregorio honasan ang pagpirma sa Memorandum of Agreement at Ceremonial Switching On ng free WiFi for all program na isinasagawa sa San Juan City Hall.

Ayon kay Mayor Zamora, isang malaking karangalan sa lungsod ng San Juan, na unang lungsod sa pilipinas na magkakaroon ng free Wi-Fi zones.


Sabi ni Zamora, pagtupad lamang ito sa kanyang Smart City Program para mas mapabilis ang mga transaksyon at pagbibigay serbisyo sa publiko.

Kabilang sa mga lugar na inaasahang may malakas na Wi-Fi signal ang City Hall, San Juan Medical Center, lahat ng barangay halls, multipurpose halls, Pinaglabanan Shrine, palengke, public schools at iba pang pampublikong lugar.

Facebook Comments