WIFI | Sen. Angara, umaasang mapapabilis ng 3rd telco ang implementasyon ng libreng WiFi sa SUCs

Manila, Philippines – Umaasa si Senator Sonny Angara na makakatulong ang ikatlong telecommunications company sa bansa para mapabilis ang pagpapatupad ng batas na libreng WiFi sa mga pampublikong lugar lalo sa State Colleges and Universities o SUCs.

Pahayag ito ni Angara, makaraang ideklara ng National Telecommunications Commission (NTC) bilang provisional third telco provider ang Mislatel na consortium ng China Telecom at Udena Corporation.

Diin ni Angara, malaki ang maitutulong ng libreng WiFi sa mga estudyante para makatipid sila ng pambayad sa computer shops para sa kanilang mga research, assignments at school projects.


Dismayado kasi si Angara dahil sa pagka-delay ng implementasyon ng free WiFi access program ng pamahalaan na pinondohan ng P1.7 billion ngayong taon.

Sa budget hearing sa Senado ay sinabi ng Department of Information and Communications Technology o DICT na sampung porsyento pa lang sa nasabing pondo ang nagagamit kung saan 15 pa lamang sa 112 SUCs sa buong bansa ang may libreng WiFi.

Facebook Comments