Mas pabor pa rin sa mga estudyante nasa Grade 1 hanggang 3 ang wikang Filipino at Ingles bilang medium of instruction o paraan ng pagtuturo sa mga paaralan.
Batay ito sa survey ng Pulse Asia kung saan 88 percent ng mga estudyante ang nagsabing mas gusto nila ang pambansang wika bilang paraan ng pagtuturo habang 71 percent ang pumabor sa Ingles.
Lumalabas din sa survey na 38 percent lamang ng mga estudyante ang pumabor sa mother tongue o local language nila bilang medium of instruction.
Sa kabila nito, halos kalahati ng mga sumagot ng survey sa Visayas at Mindanao ang pumabor sa local language habang mababang porsyento ang naitala sa Metro Manila at Luzon.
Nanguna naman ang Class E o yung mga nasa very-low class ang pumabor sa mother tongue bilang medium of instruction.
Isinagawa ang survey noon pang September 17 hanggang 21 pero inilabas lamang ang resulta nitong Sabado.
Suamgot dito ang 1,200 Grade 1 to Grade 3 students mula sa iba’t-ibang bahagi ng bansa at kinomisyon ito ni Senate Committee on Basic Education chairman Senator Sherwin Gatchalian.