Wikipedia totally blocked na sa China

Image via Wikipedia

KINUMPIRMA ng Wikimedia foundation na naka-blocked na ang lahat ng language editions ng Wikipedia sa mainland China simula pa nitong Abril.

Kasama na ang Wikipedia sa libu-libong websites na hindi na pwedeng i-access sa
China.

Bago ito, na-ban sa China ang Chinese language version ng website. Ayon sa Wikimedia wala silang natanggap na ‘notice’ sa naging hakbang ng China.


“In late April, the Wikimedia Foundation determined that Wikipedia was no longer
accessible in China. After closely analysing our internal traffic reports, we can confirm
that Wikipedia is currently blocked across all language versions,” pahayag ng
Wikimedia.

Ilang bansa na rin ang nag-block sa free community-edited encyclopedia kabilang ang
Turkey noong 2017 at Venezuela ngayong taon.

Facebook Comments