California – Tinututukan ngayon ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang sitwasyon ng mga Pilipino sa Northern California dahil sa nakaambang wild fire.
Una nang idineklara ang state of emergency sa nasabing lugar at ipinag-utos ang agarang evacuation.
Ayon sa DFA maging ang Philippine Consulate General sa San Francisco ay agad na inabisuhan ang Filipino Community sa Lake County na magsilikas na hangga’t hindi pa kumakalat ng husto ang wild fire.
Sa ulat ni Consul General Henry Bensurto sa DFA tinatayang mahigit sa 1,700 ang mga myembro ng Filipino Community sa Lake County, 178 kilometers ang layo mula Sacramento.
Sinabi pa ni Consul General Bensurto na bukas ang kanilang komunikasyon sa Lake County authorities kung saan siniguro nitong walang Pinoy ang apektado sa ngayon ng wild fire.
Nagsimula ang sunog Sabado ng gabi kung saan umabot na sa 11,500 ektaryang lupain ang nasunog kaya at napilitan ang nasa higit 3000 residente na lumikas.
Kasunod nito inilunsad ng konsulada ang +1 (415) 748 9888 hotline para sa mga Pinoy na nangangailangan ng tulong.