Wild spiders, nasamsam sa General Santos International Airport

Nasabat ng mga awtoridad ang isang kargamento ng 1,902 wild spiders (Neoscona spp) sa Cebu Pacific Air Cargo facility ng General Santos International Airport nitong Biyernes ng hapon, Agosto 22, 2025.

Ayon sa report na inilabas ng Philippine National Police- Aviation Security Group o PNP-AVSEGROUP, isinagawa ang joint inspection pasado alas-3:10 ng hapon ng DENR Region 12 – CENRO General Santos, katuwang ang PNP-AVSEGROUP at mga airport security screener.

Nakatago ang mga gagamba sa isang outbound cargo box na nakatakdang ipadala sa Iloilo.

Agad itong nakumpiska dahil sa paglabag sa Republic Act 9147 o Wildlife Resources Conservation and Protection Act.

Ipinasa na sa DENR ang mga nasabat na species para sa tamang disposisyon, habang inihahanda naman ang kaukulang dokumento para sa legal na aksyon.

Samantala, mananatiling matatag ang kanilang kampanya laban sa illegal wildlife trade upang maprotektahan ang likas na yaman at biodiversity ng bansa para sa susunod na henerasyon.

Facebook Comments