California – Ikinasa na ang search operations sa 200 tao na nawawala kasunod ng dalawang wildfires sa California.
Nasa 228 na tao ang nawawala sa Northern California wildfire o ‘camp fire’ habang aabot na sa 31 ang kabuoang bilang ng mga nasawi kabilang ang mga nasa Southern California wildfire o ‘Woolsey fire’.
Patuloy na pinalalakas ng mainit at tuyong hangin ang apoy.
Tinatayang nasa 224,000 tao na ang na-displaced habang nasa 8,000 bumbero na ang nagtutulong-tulong para apulahin ang apoy gamit na rin ang mga helicopters at air tankers.
Facebook Comments