WILDFIRE | DFA, patuloy na nakabantay sa sitwasyon ng mga Pilipino sa Redding, California

California – Patuloy na binabantayan ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang ‘carr wildfire’ sa Redding, California.

Ang Philippine Consulate General sa San Francisco ay inaalam ang sitwasyon ng mga Pilipino sa Redding at kalapit nitong lugar.

Ayon kay Consul General Henry Bensurto, wala pa naman silang natatanggap na anumang request for assistance sa mga Pilipino na naroroon.


Sa kanilang datos, mayroong 227 Pilipino ang nasa Redding.

Aabot na sa 38,000 tao ang nananatili sa evacuation.

Nilamon ng apoy ang nasa 34,000 na ektarya habang 4,000 istraktura ang napinsala.

Ang carr fire ay itinuturing ‘deadliest’ at most ‘destructive’ mula sa 90 wildfire na tumama mula Texas hanggang Oregon.

Facebook Comments