Greece – Kinumusta ni Greek Prime Minister Alexis Tsipras ang mga nakaligtas sa Mati wildfire kung saan 91 tao na ang nasawi.
Buong tinatanggap ni Tsipras ang responsibilidad sa pangyayari at nangakong magpapatupad ng reporma.
Aabot pa sa 25 tao ang nawawala habang 28 bangkay pa ang patuloy na kinikilala.
Itinuturing ng environmental organizations ang Mati Wildfire bilang ‘deadliest’ sa kasaysayan ng Greece dahil aabot na sa halos 7,000 ektarya ng kagubatan at residential area ang nilamon ng apoy.
Facebook Comments