WILDFIRE | Mahigit 100 senior citizen nawawala sa wildfire sa California

California, USA – Isandaan at tatlong katao, karamihan ay mga senior citizen, ang nawawala sa nagaganap na pinaka-mapaminsalang wild fire sa kasaysayan ng California.

Ayon sa Butte Country Sheriff’s Office sa Northern California, karamihan sa mga nawawala ay mga taga paradise, isang bayan sa hilaga ng Sacramento na nilamon ng camp fire, isa sa dalawang wildfire sa California, kahapon.

73 sa mga nawawala ay may edad 65-anyos o pataas.


Patuloy ang ginagawang paghahanap sa mga nawawala kahit pahirapan dahil na rin sa laki ng mga sunog.

Umakyat na sa 50 ang kumpirmadong nasawi sa dalawang wildfire na hanggang ngayon ay pahirapan pa ring maapula ng mga bumbero ng California.

Facebook Comments