Wilfredo Gonzales hindi na makakapagmay-ari pa ng baril

Hindi na kailanman maaring makapagmay-ari ng baril ang dating pulis na si Wilfredo Gonzales na nanakit at kinasahan ng baril ang isang siklista sa lunsod ng Quezon.

Ayon kay Philippine National Police (PNP)-PIO-Chief PBGen. Red Maranan, tuluyan na kasing kinansela ang License to Own and Possess Firearm o LTOPF, Firearm Registration at Permit To Carry Firearms Outside Residence ni Gonzales.

Nakasaad ani Maranan sa desisyon ng Civil Security Group na magiging perpetual na ang disqualification ng isang gun owner kapag na-revoke na ang kanyang LTOPF at permit to carry.


Kahapon tuluyan nang kinumpiska ang 3 baril ni Gonzales maliban pa sa 1 baril na kanyang itinurn over sa QCPD.

Facebook Comments